Header AD

Hero Police Officer Threw Himself Onto A Grenade To Save Students’ Lives

Patay ang isang bayaning pulis habang dinidisarmahan ang suspek at isakripisyo ang sarili matapos na protektahan ang mga estuyante ng Initao College mula sa pagsabog ng isang granada sa isang eskuwelahan sa Misamis Oriental.

Kinilala ang nasawing pulis na si Police Master Sergeant Jason Magno, habang kabilang sa 11 sugatan si Police Senior Master Sergeant Alice Balido, ayon sa inisyal na ulat mula sa Police Regional Office 10.



Ayon sa tagapagsalita ng Misamis Oriental provincial police, nakatanggap sila ng isang tawag kung saan isang lalaki ang palakad-lakad sa eskuwelahan na may dalang granada.

Nang rumesponde ay nagkaroon ng pagbuno sa pagitan ng mga pulis at ng suspek na may hawak ng granada na sinubukang disarmahan ng mga pulis.

Sa pakikipagbuno ay nahagis ng suspek ang granada at sinubukan naman itong disarmahin ni Magno ngunit huli na ang lahat at sumabog ito.

Sinubukang protektahan ni Magno ang ilang mga estudyante sa pamamagitan ng pagharang ng kanyang katawan sa pagsabog para hindi na ganoon karami ang madamay.

Loading...

Napatay din ang suspek, na sa huli’y nakilala bilang si Ebrahim Ampaso Basher, nang barilin ng isa sa mga rumespondeng pulis, ayon kay PCPT Princess Joy Velarde, tagapagsalita ng Misamis Oriental Provincial Police Office.

Tunay lamang na ipinamalas ni PMSGT Jason Magno ang kabayanihan ng isang pulis na dapat lang ay hangaan at pangarangalan.

Narito po ang link sa video. Maselan po ang nilalaman ng video, patnubay ng magulang ay kailangan.

Source: PNP DPCR
Hero Police Officer Threw Himself Onto A Grenade To Save Students’ Lives Hero Police Officer Threw Himself Onto A Grenade To Save Students’ Lives Reviewed by Yen The Explorer on November 28, 2019 Rating: 5

No comments

Post AD