Header AD

Siyam Na Pulis Sinibak Sa Puwesto Matapos Nakawan Ang Bahay Ng Adik


Siyam na pulis ang sinibak sa puwesto matapos makita sa CCTV ang ginawang pagnanakaw sa mga personal na gamit sa loob ng bahay ng isang pinaghihinalaang sangkot sa droga sa Caloocan City.

Agad na inatasan ni Northern Police District (NPD) Dir. S/Supt. Roberto Fajardo si Caloocan City Police Chief S/Supt. Johnson Almazan na disarmahan at alisin sa puwesto ang mga pulis na sina SPO2 Noli Albis, SPO2 Remigio Valderama, PO2 Jay Jano, PO2 Benedict Antaran, PO2 John Francis Taganas, PO1 John Ray dela Cruz, PO1 Carlomar Donato, PO1 Alexander Buhayo at PO1 Rodie Germina, pawang mga nakatalaga sa Station Anti-Illegal Drugs.


Ayon kay Almazan, ang mga sangkot ay agad na ilalagay sa Caloocan Police Administrative Holding Unit at sasampahan ng kasong kriminal at administratibo na kung sakaling mapatunayang nagkasala ay agad na patatalsikin sa serbisyo.

Sa imbestigasyon, naganap ang insidente noong Lunes ng hapon sa bahay ni Emilia Calanday, ng Barrio Sto. NiƱo, Brgy. 187, Tala.

Nabatid na inireklamo ni Calanday sa pulisya ang umano’y pwersahang pagpasok sa kanyang bahay ng mga armadong kalalakihan na lulan ng isang Toyota Innova na kalauna’y natunton na naka-issue sa SAID Caloocan North.

Ang nasabing panloloob at pagtangay sa mga mahahalagang kagamitan ay nakuhanan ng CCTV na naka-install sa loob ng bahay ni Calanday.

“I am upset and dismayed upon watching the incident on the video and I do not tolerate misfits and scalawags in NPD. We are bringing these records out so that hopefully the public may be encouraged to help us identify further those who are the undesirable policemen in their communities so that we can institute proper action against them, the support of the public is paramount in reporting erring policemen as partners in cleansing our ranks,” ani Fajardo.

Source: Remate
Siyam Na Pulis Sinibak Sa Puwesto Matapos Nakawan Ang Bahay Ng Adik Siyam Na Pulis Sinibak Sa Puwesto Matapos Nakawan Ang Bahay Ng Adik Reviewed by Yen on December 08, 2016 Rating: 5

No comments

Post AD