Header AD

Photo Of Teacher Carrying Her Students Due To Flood Goes Viral


Viral ngayon sa social media sa lalawigan ng Pangasinan ang mga larawan ng isang Guidance Counselor na isinasampa ang mga estudyante para makadaan sa mga matubig na bahagi ng kanilang paaralan sa lungsod ng Dagupan.

Marami ang pinuri at natuwa sa mga kuhang larawan ni Gng. Leonora Fernandez, Guidance Counselor ng West Central School na buhat-buhat ang ilang mga estudyante para hindi sila mabasa sa tubig ulan sa kanilang paaralan.


Komento ng iba, “bibihira” ang ganitong mga guro lalot posible ring maging ito ay magkasakit sa ginagawa.

Nakuhaan ng larawan si Gng. Fernandez matapos isa-isang buhatin ang mga estudyante na hindi makatawid sa kabilang bahagi ng paaralan kasabay ng pagdiriwang ng kanilang nutrition month.

Nabatid na kabilang ang West Central School sa siyudad ng Dagupan ang madalas mabaha kahit ilang oras lang ng pag-ulan.

Source: Bombo Radyo
Photo Of Teacher Carrying Her Students Due To Flood Goes Viral Photo Of Teacher Carrying Her Students Due To Flood Goes Viral Reviewed by YenAnonymous on July 29, 2017 Rating: 5

Post AD