Header AD

Suspek Arestado Matapos Pugutan Ng Ulo Ang Babaeng Biktima At Gawing Ulam

Inaresto na ng pulisya ang suspek na sinasabing namugot sa ulo ng isang babae sa bayan ng Talisayan, Misamis Oriental.

Ayon sa report ng RMN Cagayan De Oro, ang suspek na kinilala lamang bilang si Alyas Boy ay sinasabing may diperensya sa pag-iisip at naabutan pa ng mga pulis na kumakain ng ilang bahagi ng ulo ng biktima.


Ayon sa salaysay ni Alyas Boy sa mga pulis na nagugutom siya at wala siyang ulam kaya nang makasalubong niya ang babae sa daan ay kanya itong pinugutan ng ulo at kinain.

Dagdag pa ng pulis na inamin rin ng suspek na bago niya pugutan ng ulo ang kanyang biktima ay nagalit ito dahil nagsasalita ng English ang babae at hindi niya ito maintindihan.

Loading...

Sa ngayon, iniimbestigahan pa rin ng mga pulis ang pagkakakilanlan sa biktima dahil ayon sa mga residente doon ay posible nagmula sa ibang lugar ang nasabing babae.

Ang suspek sa ngayon ay nakakulong na sa custodial facility ng Talisayan Municipal Police Station.

Source: RMN
Suspek Arestado Matapos Pugutan Ng Ulo Ang Babaeng Biktima At Gawing Ulam Suspek Arestado Matapos Pugutan Ng Ulo Ang Babaeng Biktima At Gawing Ulam Reviewed by Yen The Explorer on December 05, 2019 Rating: 5

No comments

Post AD