Header AD

Pag-Inom Ng Buko Juice, Gamot Sa Urinary Tract Infection (UTI)


Madalas iminumungkahi sa mga may sakit na urinary tract infection (UTI) o impeksiyon sa daluyan ng ihi ang pag-inom ng buko juice. Pero, epektibo nga ba ito bilang lunas sa naturang sakit?

Sa programang ‘Good Vibes’ sa DZMM, ayon kay Urologist Dr. Samuel Yrastorza na nakatutulong naman sa mga may UTI ang pag-inom ng buko juice pero kahit tubig lang aniya ay epektibo na.

“Totoo naman ‘yun. Kaya nga narinig niyo kanina, inom ka lang ng buko o inom ka lang ng tubig. Actually, hindi mo kailangan ng buko, you just need lots of water kasi kung normal naman kidneys mo, inom ka lang nang inom ng tubig, ihi ka nang ihi.”

Dagdag pa ng doktor, makabubuti ang pag-inom nang madalas upang dumalas din ang pag-ihi at malinis ang daluyan nito.

“Kasi ‘yung pag-ihi natin is a normal defense mechanism ng katawan. Kung ihi ka nang ihi, walang chance ang bacteria na kumapit sa daluyan ng ihi, at dumami para magkaroon ng infection. Kapag ihi ka nang ihi, nawa-wash out iyong bacteria,” paliwanag ni Dr. Yrastorza.

Pagdating naman sa iba pang juice na sinasabing lunas sa UTI, nilinaw ni Dr. Yrastorza na wala namang partikular na inumin na mas nakapagpapagaling.

“Base sa pag-aaral, walang specific juice na nakakapag-prevent ng UTI. As I told you, inom ka lang nang inom ng tubig, ‘yan talaga ang nakakapagtigil o nakakapag-treat ng infection.”

Dagdag pa ni Dr. Yrastorza, ayon sa mga pag-aaral ay maaaring mawala ang UTI nang hindi umiinom ng antibiotic para rito.

“Base sa studies, kahit hindi ka mag gamot with antibiotics for UTI, usually nawawala siya on its own because we have our own defense mechanism. Mayro’n tayong immune system na lumalaban. Inom ka lang nang inom ng tubig, mawawala rin later on ‘yung infection.”

Sa kabila nito, makabubuti pa rin aniya na magpatingin sa doktor dahil mas mataas ang tsansa na muling magka-UTI ang mga hindi uminom ng gamot.

“Pero base rin sa pag-aaral na ‘yun, 50% ng mga pasyente na hindi nagte-take ng antibiotic, bumabalik ang infection… Better talaga magpa-check up saka mag-take ng antibiotics.”

DISCLAIMER: This health information is not intended nor implied to be a substitute for professional medical advice, it is provided for educational purposes only. You assume full responsibility for how you choose to use this information. Always seek the advice of your physician or other qualified healthcare provider before starting any new treatment or discontinuing an existing treatment.
Pag-Inom Ng Buko Juice, Gamot Sa Urinary Tract Infection (UTI) Pag-Inom Ng Buko Juice, Gamot Sa Urinary Tract Infection (UTI) Reviewed by Yen The Explorer on April 12, 2019 Rating: 5

No comments

Post AD