Header AD

Western Visayas Top Drug Lord Richard Prevendido Killed In Anti-Drug Operations

Patay ang itinuturing na top drug lord sa Western Visayas na si Richard Prevendido at isa pang katao na sinasabing anak din nito, sa anti-drug operation na isinagawa ngayong gabi.

Alas-9:30 ngayong gabi nang isinagawa ng composite team ng Regional Intelligence Unit, Iloilo City Police Office (ICPO) at Iloilo Provincial Police Office (IPPO) sa isang abandonadong bahay sa Landheights Subdivison, Jaro, Iloilo City.


Sa panayam ng Bombo Radyo Iloilo, inihayag ni IPPO director S/Supt. Marlon Tayaba na ang operasyon ay pagsisilbi ng search warrant laban kay Prevendido.

Ngunit binabalya pa lang umano nila ang pintuan upang pasukin ang bahay ay pinaputukan na sila ng mga nasa loob.

Wala aniya silang mapagpilian kungdi ang barilin ang mga subject.

Naganap ang engkuwentro sa pagitan nina Prevendido at ng operating team sa ikalawang palapag ng bahay na nirerentahan ng drug lord.

Sugat sa ulo at lalamunan ang tinamo ni Prevendido.

Ayon kay S/Supt. Tayaba, may hawak na kalibre .45 na baril sa magkabilang kamay ang drug lord.

Sinabi ni Tayaba na apat na buwan na umanong naninirahan sa naturang bahay si Prevendido.

Ito na aniya ang ika-pito nilang operasyon laban sa drug lord kung saan umabot pa sila sa mga bayan ng Anilao, Banate, Cabatuan, Janiuay, Lambunao at Barotac Viejo.

Kabilang sa mga narekober sa loob ng bahay ayon kay Tayaba ang shabu at mga baril.

Source: Bombo Radyo
Western Visayas Top Drug Lord Richard Prevendido Killed In Anti-Drug Operations Western Visayas Top Drug Lord Richard Prevendido Killed In Anti-Drug Operations Reviewed by Yen on September 01, 2017 Rating: 5

No comments

Post AD