Header AD

Mocha Uson Gustong Ipatanggal Sina Cory At Ninoy Sa P500 Bill


Makikita sa Facebook account ni Communications Assistant Secretary Mocha Uson (Mocha Uson Blog) ang mga linyang…

“Sana isunod na ‘yung P500 bill palitan ng tunay na bayani!”

Ang senaryo, ni-repost ni Mocha ang balita ng News 5 tungkol sa bagong disenyo ng P5 barya, na inilabas ng Bangko Sentral Pilipinas.

Ibinalita nga na gawa sa silver at may imahe ni Gat. Andres Bonifacio ang bagong P5 barya.

Nakatakda ngang ilabas sa sirkulasyon ngayong Disyembre ang bagong barya na ‘yon.

Hanggang Biyernes ng hapon, umabot na sa 1,300 ang nag-share ng kuwentong ‘yon, at mahigit sa 1,500 ang komento.

At bagama’t wala namang tinukoy na pangalan si Mocha sa sinabi niya, alam naman nating lahat kung sino ang nakalagay na mukha sa P500 bill, ‘di ba?

At ‘yun ay sina dating Senador Ninoy Aquino, at former President Cory Aquino, na mga magulang ni former President Noynoy Aquino, at higit sa lahat, parents nga ni Kris Aquino.

Naku, ayaw ni Noynoy at Kris ng ganiyan.

Source: Abante
Mocha Uson Gustong Ipatanggal Sina Cory At Ninoy Sa P500 Bill Mocha Uson Gustong Ipatanggal Sina Cory At Ninoy Sa P500 Bill Reviewed by YenAnonymous on December 06, 2017 Rating: 5

Post AD